Monday, October 2, 2017

My De San Gabriel Bros on Wattpad

I just edited and published the first book to an old series on Wattpad -- The De San Gabriel Brothers. It was a spin off from the series The Eagle and the Dove, inspired by Elite Agent Hawk with the long, black straight hair, the eyebrows of a pirate and the cow's lick to his hairline -- in short ay delicioso. I couldn't remember exactly why he got separated from Black Bureau Elites series. It could be that I had written De San Gabriel first before I committed to writing a separate series for TEATD's elite specialists.

This is the link to the story:


And here's the teaser to the story:

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Sean at Aslinn sa bahay ampunan.  Kahit unang umalis si Sean dahil sa pag-ampon dito nang isang maykayang pamilya, hindi natapos doon ang kanilang pagkakaibigan. Kahit natupad ang pangarap nitong maging artista at si Ais ay isa nang  pediatrician, sila pa rin ang pinakamatalik na magkaibigan.

Pero may mga lihim na hindi mananatiling lihim habambuhay. Matapos malagay sa peligro ang buhay ni Sean, natakot ito at nagkumpisal na matagal na itong in love sa kanya. Nataranta nang sobra si Aislinn. Buong panahon na magkakilala sila, ito ang pinakaimportanteng tao sa kanya, ang nag-iisa niyang bestfried, pamilya -- her very own person. Tapos mabibisto niyang iba na pala ang nararamdaman nito? Ang magkaibigang totoo, habambuhay magkasama. Pero kahit ang pinaka-passionate na nag-iibigan, nagbi-break din sa huli. Walang forever sa pag-ibig!

Pero sa kabila ng kanyang takot, sinubukan niya. Kasi mas takot siyang mawala ito. Sinubukan niyang umaktong in love kahit hindi niya alam kung paano. Ito ang aktor na marami nang naging lovers, habang isa siyang pediatrician na hindi pa ever nagka-boyfriend. In fact, ito ang nag-iisang lalaki sa buhay niya. Paano ba talaga? 

Paano magtatagumpay ang isang misyon kung ang gustong mang-akit ay hindi marunong mang-akit at ang inaakit naman ay masyadong ma-pride, at hindi pahahalik kung wala iyong pag-ibig?

Will update this post when I had uploaded the other two, specially Hawk's story!

No comments:

Post a Comment