I hope this little glimpse into the story will make you want to buy the series when it finally (sa wakas!) comes out.
Love the pic, dramatic. But it doesn't remind me of the sisters, the woman reminds me of Leica Soldita Malvado before she crossed the seas to get to the sisters. By the way, this came from Photobucket on dragon_koi's album, which is here. Also loved his (her?) other collections. |
(Chapter Two of the first book of Soliel le Charme Encantara: The Hideous and the Beast)
ISA-ISANG BUMABA ANG MAGKAKAPATID mula sa lumang kotse na minamaneho ni Gregory. Ang panganay na si Soliel ang nauna, sumunod ay si Guinevere. Georgette was last, and she humped and gasped before she could get her fat self out of the car.
Mula naman sa harapan ng kotse ay inaalalayan ni Gregory ang amo nito sa pagbaba sa frontseat. It was their Lola Mertha, their father’s old aunt, who’d raised them since their parents’ death. She was looking pale and tired at the age of one hundred three. Binalikan ito ni Soliel at inalalayan hanggang sa makarating sila sa tabi ng mga kapatid na abala na sa pagtingala sa malaki at mataas nilang bahay.
Halos sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa mataas at grandiyosong bahay. Ito ang kanilang lumang tirahan. Sa palagay ni Soliel hindi na naaalala pa ito ni Georgette dahil baby pa ito noong itinakas sila ng kanilang Mama seven years ago. Si Guinevere naman, katutuntong pa lang ng three noon, at siya, five.
Kapag nakakapagkwentuhan sila, nasasabi ni Guinevere na vague ang mga naaalala nito sa nakaraan. But she could sometimes smell their mother’s perfume, or could here their father’s sweet rumble of a voice in her dreams.
Pero siya, maraming nabawing mga alaala. Pinagbasehan niya ang mga alaalang iyon ngayong nakatingala siya sa kanilang dating bahay.
Kakatwa ba na kahit ito pa rin ang bahay kung saan niya pinalipas ang unang limang taon ng kanyang buhay, parang iba ito sa kanyang naaalala? It was looking cold standing alone, with the paint peeling off the walls. Walang ilaw sa loob, nakatabing ang mga Spanish shades sa mga pinto sa ibabang palapag at ang mga drapes sa salas, tigil na tigil at mukhang gabukin.
Sa ikalawang palapag at ikatlong palapag ay nakasara ang mga bintana, na parang determinado ang mga iyon na hindi ipakita sa kaswal na mga nagdaraan ang hitsura sa loob.
Looking all the way up, the little rectangular window in the attic was tightly closed, too.
The whole house has an air of being uninhabited for a long time. Maging ang mga damo sa lawn, napabayaan nang lumago. Ang mga creeping vines nawalan na ng control sa paggapang ng mga iyon sa mga dingding at sa bakal na railing na nakapalibot sa bakuran. Pero napangiti siya sa kanyang sarili nang makita niyang sa kabila ng mga damo sa paligid ay ang mga bulaklak ng rosas na nanatiling malulusog at namumukadkad.
They were her mother’s roses. What wrath Tita Leica must have endured when she couldn’t get rid of them in the thirteen years that she’d lived here.
Nakadama siya ng pag-asa sa kanyang puso. Pakiramdam niya, katatapos lang niyang panoorin si Georgette sa napakaganda nitong pagsayaw. Ahm, ‘yung normal na Georgette. She couldn’t possibly dance the way she naturally could right now even if her life depended on it.
Habang patuloy sa pag-oobserba sa paligid ang kanyang dalawa pang mga kapatid, bumaling siya sa kanilang Lola Mertha. “Ano sa palagay n’yo, Lola? Kaya ba ‘to ng powers ko?” nanunudyo niyang tanong rito.
Nangingiting nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Magpatulong ka sa mga kapatid mo, Soliel. Baka magkamali ka na naman at kung anu-anong bulutong ang tumubo sa ‘yong katawan. Lalo kang papangit.”
Napakamot siya sa batok habang nagtatawanan ang kanyang mga kapatid.
She was ugly, true. Hideously so. Minsan nga, kapag hindi nakapaghanda ang makakikita sa kanya, nagugulat at natatakot. May hinihimatay pa nga sa probinsya, e, kapag nagulat sa kanya sa bigla niyang pagsulpot sa gabi. Mukha daw kasi siyang maligno. Ganoon kaseryoso ang hitsura niya.
Considering na dahil sa magic kaya siya nagkaganoon, hindi na siya magtataka.
Pero hindi ito ang tunay niyang hitsura. Sa hatinggabi, pagpatak ng alas-dose, bumabalik ang kanyang tunay na anyo, ang taglay niyang kagandahan na nakapagpapapipi sa mga nakakikita, kaya napagkakamalan siyang engkantada. Na hindi malayo dahil may dugo siyang engkantada.
Noong unang panahon, iniluwal ng Inang Espirito ang unang una niyang lola. At mula sa lola niyang ito, napamana sa sumunod na mga henerasyon ang biyaya nitong mahika.
She believed there were normal people thrown here and there through the thousands of years and so since their generation progressed. Kaya halos wala nang natitira pang mahika nang maipanganak ang kanyang Mama. Ang natira na lang ay ang mga naipamanang hindi pwedeng matanggal at natural na mga inklinasyon sa mahika ng mga tulad nila na para sa mga normal na tao ay kakaiba at nakakatakot pero sa mga engkantada ay anino na lamang ng kapangyarihang dati’y taglay ng kanilang mga ninuno.
Pero ani Lola Mertha, dahil sa kanilang ama ay may taglay silang mga kapangyarihang mas higit pa sa taglay ng kanilang ina. Mostly physical powers, Georgette called them. They could make things move and obey them. They could enchant people to do what they wanted them to do. Virtually, a regular person was helpless to their powers. Kaya lang may mga hindi nasusulat na mga batas sa mundo ng mahika na lubhang makapangyarihan. Ang natural na mundo ay para sa mga tao lamang. It would be unthinkable if people should learn about them. Malaking responsibilidad ang nakaatang sa bawat isa na panatilihin ang balanse, at malaking kaparusahan ang nakalaan para sa mga susuway niyon.
Pero isa sa pinakamahalagang pamana sa kanila mula sa angkan ng kanyang ina ay ang biyaya ng pag-asa, na sa makaisandaang taon, uusbong ang tatlong magkakapatid na Enchantresses sa linya ng mga Le Charme, at maghahatid ng pag-asa sa kasalukuyang mundo.
She was proud to say that she’s one of them, at taglay niya ang mahika ng kagandahan. Pangalawa ang kanyang kapatid na si Guinevere, na taglay ang mahika ng awit. At ikatlo ay ang kanilang bunsong si Georgette, na taglay ang mahika ng sayaw.
Sa pamamagitan ng kanyang ganda, magagawa niyang mapukaw ang kagandahan sa puso ng isang tao—kung merong matatagpuan. Walang magagawa kahit ang pinakamakapangyarihang mahika kung walang taglay na pagmamahal—ang pinakamagandang damdamin—ang puso ng tao. Nagagawa rin niyang maipaalala sa isang taong nakalimot ang kagandahan ng kalooban nito, sakaling nakalimutan na nito iyon sa pagsisikap na makaingos sa hirap ng buhay, o sa pagdadala ng tagumpay. They call her gift ang Kagandahan ng Pagmamahal.
Ang magandang tinig naman ni Guinevere ay nagagawang alisin ang galit sa puso ng mga taong nag-iibigan para magkasundong muli at makapagsimula ng panibagong buhay. Ganoon kaimportante ang pag-ibig sa mundo ng mahika, kung kaya’t binigyan iyon ng malaking puwang ng Inang Ispiritu ng makalumang panahon. Ang pagniniig ang paraang ginagamit ng Maykapal sa pagpaparami ng mga tao, pero kung kalakip ay tunay na pag-ibig, ang nabubuo ay mapagmahal na mga kaluluwa.
Ayon sa prinsipyong ito, nagagawa ring papagtagpuin ni Guinevere ang dalawang taong tunay na nagmamahalan. Ang tawag nila sa gift nito ay ang Tinig ng Pag-ibig.
And Guinevere’s graceful and enchanting dance—when she’s not as fat as a baby whale—could bring hope to hopeless hearts. Nagagawa nitong muling mapaniwala ang mga nawalan na ng pag-asa tungkol sa kagandahan ng buhay, tungol sa pagmamahal ng mga kapamilya at mga kaibigan, tungkol sa pagmamahal ng Maykapal. Ang tawag nila sa gift nito ay ang Sayaw ng Pag-asa.
And yes, the sister Enchantresses of those thousand years of before has had the same gifts bestowed on them through their mothers.
Napatiim ang kanyang bagang nang maisip niya kung paano nagbuwis ng buhay ang kanyang mga magulang para sa kanilang pamana. Naramdaman niya ang marahang tulak ng kanyang Lola Mertha.
“Kanina pa tayong nakatayo rito sa labas. Oras na, Soliel.”
Sumulyap siya kay Gregory para maalalayan ang kanilang lola bago siya bumitiw rito. Inabot niya ang kamay ng naghihintay na si Guinevere, na humawak sa kamay ni Georgette. Agad niyang naramdaman ang lakas ng mahikang dumaloy sa kanilang mga katawan, na sa sandaling pagkakataon ay naramdaman niyang para silang iisa. This feeling almost always made her skin tingle, her hair raise on her skin, and her heart beat faster in anticipation.
The Power of Three, ang paborito niyang palabas sa TV. The Charmed Ones. Pero kung ang tatlong magkakapatid sa Charmed ay may taglay na mga kapangyarihang kayang bumago sa mundo sa isang global na estado sa pisikal na paraan, ang sa kanilang magkakapatid ay simple lang ang dalang mensahe—pag-ibig. Pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa isang minamahal, pag-ibig sa buhay na pinakamagandang biyaya ng Dios na Maykapal sa lahat ng mga nabubuhay at mga hindi nabubuhay.
Right now, they’re only after getting back what was rightfully theirs, ang bahay na iniwan sa kanilang pangalan ng kanilang mga magulang. Their father died after giving his guarding spell to the vessel using his own blood.
Unfortunately, huli na bago nito natuklasan na alam na ni Tita Leica na silang tatlo ang tagapagmana ng biyaya mula sa Nunong Espirito. Before her parents could thwart her again, she has murdered their father.
But their mother, being a part fairy, has powers that not even a powerful witch could know. Sa tulong ng iba pang mga elementong kinikilala ang desperasyong mailigtas nito ang regalo ng Nunong Espiritu, naitago sila nito mula sa bruha at nagawang maibyahe noong gabing iyon nang hindi nasusundan. Iyon ang dahilan kung paano sila nakaligtas.
But their mother was mortally wounded from trying to save her husband, and then trying to run away with her daughters. Hinintay lang nitong maprotektahan sila ng isang kadugo ng kanilang ama, and she gave her spirit up to the gods.
“Ate Soliel…?” marahang tawag ni Georgette sa kanya. Pinisil nito ang kanyang kamay. At alam niyang alam nito ang kanyang pinagdaraanan ng mga sandaling iyon. She was the oldest, she could still remember patches of that cold, rainy night. Ang namumutlang mukha ng kanilang ina… ang pag-ibig at kapayapaan sa mukha nito nang ipikit na nito ang mga mata…
Unti-unti niyang binitiwan ang emosyon na nagpapasikip ng kanyang dibdib. It was getting easier now. Lola Mertha has thought them to let love flow from the bottom of their hearts to the entirety of their beings. That’s how they could fully use their gifts.
Marahan siyang tumango nang handa na ang kanyang puso. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Guinevere. Naramdaman niya ang gabay ng isipirito ni Georgette.
They bowed their heads, and murmured the cleansing spell. Matagal na mga sandali, isa-isa nilang itinapon ang kamalasan, luha, poot, at mga sumpa sa buong propriedad. Sa tagal ng mga taong itinigil dito ni Tita Leica, hindi siya nagtataka kung bakit nang matapos sila, nararamdaman niya ang matinding pagkalula at panghihina.
Hawak siya ni Guinevere nang magsalita ang kanilang Lola Mertha sa matigas na tinig. “May natira pang isa.” At napalingos silang tatlo rito, saka napahingal sa nakita.
Blood was trickling down one of her nostrils. Hawak ito ni Gregory, inaalalayan. She just knew, sa ginawa nilang paglilinis, tinulungan sila nito.
Napalapit sila sa matanda. “Lola?”
“Anong gagawin namin? Gagawa ba kami ng bagong spell, Lola Mertha?” nag-aalalang tanong ni Georgette.
Marahan itong umiling matapos mapahiran ni Guinevere ang dugo na tumulo mula sa ilong nito. “Hindi na. Hindi natin kailangan ng spell, dasal na lang. At panahon.”
Napalunok siya. Kilala niya ang tinging iyon sa mukha ng kanilang Lola. “Lola, may kinalaman ba ito sa sumpa sa ‘min ni Tita Leica?”
Sandaling nagdaan ang murot sa matanda nitong mukha, saka ito tumango. “Oo. Mas makapangyarihan pa pala ito kaysa aking unang inakala.” Bumuntunghininga ito. “Pwede na tayong pumasok sa loob. Kailangan kong maupo. Doon na ako magpapaliwanag.”
Sukat doon ay parang bulak itong binuhat ni Gregory. Ang dalawa ang unang umakyat sa marmol na mga baiting paakyat sa patio.
Sabay-sabay silang magkakapatid na humakbang palapit sa hagdanan. Glancing up again before she reached the first step, she couldn’t help but notice—parang biglang umaliwalas ang paligid. The house has a chirpy look over it, the lawn seemed greener. Maging ang hangin ay nabuhay at nararamdaman nila ang pilya niyong pagsasayaw sa kanilang paligid. Habang ang araw naman ay sumisilip sa pagitan ng madidilim na mga ulap para ngitian ang kanilang bakuran, gayong nananatili ang lilim at lamig sa ibang lugar.
The house was welcoming them. Napangiti siya.
At kasabay ng kanyang ngiti ay ang pagbukas ng mga front doors nang kusa para papasukin silang lahat sa kalooban niyon.
Sisters Soliel, Guinevere and Georgette were witches. But that's where the simplicity ends. They were descended from the bloodline of a powerful witch fairy on their mother's side and of powerful witches and wizards from their father's side. Twice magically empowered, their third virtue was being the most powerful three sister enchantresses of their generation, and were most commonly known through the ages as the Three Witch Enchantresses that appeared as a gift from the Nunung Ispiritu every thousands of years. And, yep, they were meant to save the world.
In the sisters' generation also lived Leica Soldita Malvado, an evil, twisted witch who desired power more than anything else in the world, and have lived through many centuries eating up powers of powerful witches, looking for that most powerful of all powers--a legend. When she learned that the legend about the Enchantresses was true, she planned on destroying them after they were born so she could eat their power. which she was not able to do. Somehow and somewhere in this hullabaloo, Soliel, who posses the power of perfect beauty, was given the curse of having the most hideous appearance; Guinevere with the most powerful, beautiful singing voice the curse of an ugly voice that cause pain to those who hear; and Georgette was turned into an obese who was too heavy to dance without bringing the floor (or the house) down. Their parents died so they could live, but their protective spell could only protect them until they turn twenty-one, when any curse would be powerless in the manifestation of their mature power.
But there's a catch--Leica's curse can kill them that last moment of transition from twenty to twenty-one, when they're most vulnerable hanging from here to there. Unless--a hero so in love with them would give their lives up to save them from the curse.
From Book One, the sisters' journey began.
:)
*sigh*
ReplyDeletehoping (& praying earnestly) for this series to be available soon!..
by the way, really really love your novels!
keep it up! XOXO
Thanks a bunch, nice! Sana din nga it comes out soon. :)
ReplyDeletesuper ganda, nakakabitin :) i hoping for this series to be available really soon :) I cant wait...
ReplyDeleteHi, Altair. Thanks for your comment! :)
ReplyDelete