Hmm... thinking of making novellas out of them, Maciel...? Uh-oh. Kelan, after twenty years?!
You'll meet these characters when the story comes out... whenever PHR Big Boss Jhun deems so. But for now, I'm sharing this outtake with you.
SA MGA sandaling iyon, nasa isa ring lugar
sina Kathleen, at nasa unahan siya ng grupo nila nina Lola Mertha, Veronica at
Gregory na nasa likod. Nasa loob sila nang isang madilim na kweba.
Napakaimportante
ng lakad na ito ni Lola Mertha. The sisters felt honored that they were the
ones the old witch asked to accompany her beside Gregory. Mga bata pa sila,
nagsasanay na silang dalawa na maging magaling na mga witch guards. Ang
kanilang ama ay isang magiting na witch guard bago ito nakilala nang kanilang
ina sa Roma. Nang umibig at nagpakasal ang dalawa, nabuhay ang
mga ito nang tahimik sa San Bernardino, sa Pilipinas, na bansa nang kanilang
ina.
Pero isang
araw, muli itong bumalik sa Roma nang manganib ang buhay ng dating
pinagsisilbihang dugong bughaw na humingi ng tulong sa tapat
nitong mga alalay. Sa kasamaang palad, nagbuwis ang kanilang ama ng buhay sa pagsisilbi rito. Sa kabila ng kayamanang ipinagkaloob ng mga ito sa kanila at
pagpupugay sa Roma sa kabayanihan ng kanilang Itay, mas gugustuhin pa rin ng
magkapatid na sana ay lumaki silang kasama ito. Na sana, lumaki silang may ama. It was a barely voiced out desire, because honor and dying with it and for it was what a witch guard lived for.
Sa kabila nang lahat, ng lihim na inaasam ng kanilang mga puso, pinagbuti ng magkapatid na Kathleen at Veronica ang kanilang mga sarili para maipagmalaki sila nito,
saan man ito naroroon ngayon, at mabigyan ng dagdag na karangalan ang pangalan nito.
Kaya sila nagpakapursigeng maging magaling
at marunong na mga witches. Their skills had been further honed by accompanying
the fairy witch sisters at night to help other people. Anuman ang mangyari
ngayong gabi, desidido ang magkapatid na maging magaling ding witch guards na
gaya ng kanilang ama.
May isang oras halos na binagtas nila ang
lagusan ng kweba. Hindi alam ni Kathleen kung nasaang parte na sila niyon, but
they must be very deep. Malamig ang tigil na ere at bawat patak nang
kanilang mga paa sa sahig ay nag-e-echo, dahilan kung bakit umusal si Veronica
ng spell para tumahimik ang echo na iyon.
Mayamaya ay nagsalita si Lola.
“It’s alright, Kathleen. We’re here. Ako
na'ng mauuna.”
Tumigil sila, pero kahit pa, alertong
alerto si Kathleen. Kahit ipikit niya ang kanyang mga mata, nararamdaman niya
bawat nilalang na humihinga sa dilim. Bawat kaluskos ay nagsasabi sa kanya kung
nasaan ang mga ito. Bawat tibok ay nagsasabi kung ang kasama nila sa kwebang
iyon ay hayop… o tao.
Walang ibang tao sa loob ng kweba maliban
sa kanilang apat. But she did not let her guard down. She would not let Lola
Mertha down.
Binalingan ni Lola Mertha si Gregory at
kumilos ito. May inabot sa cave wall sa kanan nito. Sa sumunod na sandali ay
napuno ng ilaw mula sa apoy na nabuhay sa sigang nakasuksok doon ang paligid.
Naibaling ni Kathleen ang kanyang mga mata sa tabi gaya ni Veronica para iwasan
iyon. Mabubulag silang muli sa dilim sa kanilang pagbagtas sa daan palabas kung pakatititigan
nila iyon.
Narinig niya ang pagtawag ng tinig ni Lola
Mertha, tinig na mababanaagan ng ngiti. “Alberta…!” Nagtataka, sumilip siya sa
gilid nang kanyang mga mata. Walang kausap si Lola Mertha kundi ang cave wall.
Pero napamulagat si Kathleen nang mula sa
batong dingding na iyon ay humiwalay ang isang hugis. Nakausling balikat, isang
mabilog na balakang, noong malapad, at tungkod na mahaba…
Humiwalay sa dingding ang isang taong
batong may hawak na tungkod! Sa harapan nila, unti-unti itong kuminis,
nagmistulang casted bronze statue na nangingintab sa liwanag. Isang
matandang babaeng statue, graceful kumilos, complete with robes!
May dimple pa sa pisngi nito noong ngumiti
ito kay Lola Mertha. “Mahal kong kaibigan!”
Nagyakap ang dalawa.
No comments:
Post a Comment